Si Teacher/Coach na Masungit

Malapit na magsimula ang laban sa track and field pero wala pa ang pinakamagaling na runner ng isang guro. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang palaro sa oval, inis na naghihintay ang nagsisilbing coach at teacher ng estudyante.

Sa pagkapikon ng guro ay galit itong nagbitiw ng salitang “matatalo na tayo yan!!!” Biglang lumingon ang isang nanay na nag-aabang sa athlete na anak na isa sa tatakbong representative ng school sa naghihintay na guro. Sabay sambit na “talk like a teacher and act like a teacher!” makahulugang sabi nito sa naiinip nang teacher/coach ng mga bata.

Nahiya ang guro na agad namang nagsabi ng “sorry” sa pagtutuwid ng full time na nanay ng kanyang estudyante. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang late na estudyante na agad sumalang sa takbuhan.

Mula noon ay nabawasan na ang pagsusungit ng teacher/coach na nasupalpal ng nanay. Balitang hindi na ito nagsusungit at naging magiliw na sa lahat ng tinuturuang estudyante.

Show comments