1—Mababawasan hanggang sa mawawala ang pananakit ng ulo.
2—Magkakaroon ng improvement ang iyong taste buds. Magiging maganda na ang iyong panlasa sa pagkain.
3—Mababawasan ang iyong timbang.
4—Titibay ang buto at mga ngipin.
5—Magbabago ang iyong attitude sa pagkain. Kung walang soda, hindi ka na maghahanap ng fries, chips at ibang junk foods. Masarap na magka-partner ang soda at junk foods.
6—Hindi ka na madaling malasing. Base sa pag-aaral na ginawa sa Australia, mabilis na makalasing ang alak kung hahaluan ng diet soda. Kaya kung regular drinker ka ng diet soda, mas mabilis na humalo ang alak sa dugo kumpara sa non-drinker ng diet soda.
7—Bumababa ang tsansa na magkaroon ng diabetes. Kailan lang ay may ginawang pag-aaral sa Japan at natuklasan nila: Ang middle-aged men na umiinom ng isa o mas higit pang diet sodas araw-araw ay malaki ang pagkakataon na magkaroon ng type 2 diabetes sa loob ng 7-year period.
8—Makakapagtrabaho nang maayos ang kidney. Source: yahoo.com/health