Ibig Sabihin ng Kulay ng Tali sa mga Tinapay

Napapansin n’yo na ba ang iba’t ibang kulay ng “twist” (tali) sa mga tinapay sa groceries? Minsan may puti, minsan ay pula, at kung minsan ay may dilaw. Napaisip na ba kayo kung para saan ang mga ito?

Bale, ito ang nagsisilbing color scheme ng mga bread stocker sa mga groceries para malaman kung anu-ano ang mga tinapay na dapat nang tanggalin at malapit nang mag-expire.

Ang kulay ng twist o tali na makikita sa mga tinapay ang tanda kung ano’ng linggo ito niluto. Ginawa ito hindi para sa mga customer kundi para sa mga nagre-restock ng tinapay sa mga groceries. Naimbento ito para mapabilis ang kanilang trabaho. Hindi na nga naman nila kailangan pang tumingin sa mga “tab” o stickers kung saan nakalagay ang best before date.

Ang bawat manufacturer ng tinapay ay may kanya-kanyang color scheme pero madali naman itong malaman sa Internet at kung tatawagan sila.

Hindi naman ito mahalaga sa mga consumer kaya ‘wag alalahanin kung anuman ang kulay ng twist na nasa inyong tinapay. Ang mas mahalaga ay ang nasa tab o sticker kung saan nakalagay ang petsa ng pagkapanis nito. Burp!

Show comments