Aswang Territory (5)

MAY HUMARANG na napakaguwapong lalaki sa dadaanan nila.

“Maligayang pagdating, Avia.”

“Celtic …” Halatang natuwa si Avia sa nasa harapan.

“Lalo kang gumanda!”

“At ikaw, ang kisig-kisig mo! Kumusta ka na?”

“Mabuti. Masaya ako sa iyong pagdating. Ang balita ko ay magtatapos ka na? Siguradong ditto ka sa atin magtuturo, hindi ba?”

“Oo naman! Saan pa! Hindi ba kaya ako nag-aral para makapagsilbi sa mga kalahi natin?”

“Pwede bang gawin natin ang nakasanayan nating pagbati mula pa noong magkalaro tayo?”

“Hihihi! Celtic! Para ka pa ring bata! Pero sige na nga!”

At sa harap ni Armani at pinagdikit ng dalawa ang mga nguso nila at parang mga manok na tumutuka sa mga labi. Maiikling tuka lamang.”

Nagselos kaagad si Armani. Hindi na niya papayagang babati nang ganito si Avia kahit kanino pang kalahi.

“Avia, puwede ba tama na ‘yan? Hindi dapat, e.”

Natauhan naman si Avia, napahiya. “S-sorry, Armani … kababata ko lang kasi si Celtic at talagang close na close kami. Pareho lang kaming excited kasi ngayon lang uli kami nagkita.”

Kumunot naman ang noo ni Celtic. “Avia, hindi siya tagarito. Paano ka nakatagpo ng ibang aswang sa Maynila? May mga katulad na rin ba natin sa ibang lugar?”

Nataranta si Avia pero nagpakahinahon. “Siya si Armani, Celtic. Katulad natin siya pero hindi tulad ng mga lahi natin na may community, na marami.”

“Ang ibig mong sabihin nag-iisa lang siya? Saan siya nanggaling? Paano siya naging aswang? Ano ang history niya, Avia? Masyado siyang nakakaintriga.”

Dahil nga nagseselos, nairita si Armani sa tila nang-uusig na mga tanong. “Kailangan bang lahat ay sasabihin ko sa ‘yo? Ni hindi pa nga ako nakarating sa pamilya ni Avia. Dapat ay sa kanila muna ako magpapakilala nang husto. Hindi sa iyo.”

“Maangas ka!”

At bigla na lang ang guwapong mukha ni Celtic ay naging mabangis. Namula ang mga mata, lumitaw ang maraming pangil, umitim ang kutis.

“Celtic, igalang mo naman ang bisita ko! Huwag mo siyang sasaktan!” Itutuloy

Show comments