—12 Awesome Tips (Part 2)
3—Huwag mag-trying hard na maging perfect mother. Because no one is perfect. Hangga’t nariyan ang pagmamahal mo sa iyong mga anak at hindi ka nagkukulang sa pagbibigay ng kanilang basic needs, your kids will turn out fine.
4—Maging pasensiyosa. Iwasang maging mataray sa mga anak. “Impiyerno” sa mga bata ang magkaroon ng inang masungit, na mas madalas na galit kaysa hindi at faultfinder. Natuklasan kong mas nagiging mabait at considerate ang mga batang pinalaki ng isang mabait at maunawaing ina.
5—Huwag maging sobrang mahigpit sa pera. Maging makatotohanan pagdating sa pagbibigay ng pera. Kuwentahin isa-isa ang magiging gastusin niya araw-araw—pamasahe, food (ilang beses siyang bibili ng pagkain sa loob ng ilang oras na nasa school), at budget para sa biglaang gastos. Isaalang-alang din kung nasaang level sila: elementary, high school, or college. Iba’t iba ang pangangailangan ng bata per level. Magkaroon kayo ng kasunduan kapag hindi niya nagastos ang “emergency fund”. Ilagay niya iyon sa alkansiya para may savings siya.
Kawawa rin ang batang kulang sa pera. Sa halip na pag-aaral lamang ang problemahin, dagdag na stress ang kakulangan sa baon. Isa pang natuklasan ko tungkol sa nature ng isang bata : Kapag sapat ang perang ibinibigay sa kanila, nagiging wise sa paggasta at lumalaking hindi sila mukhang pera.---# kindness produces awesome kids. Itutuloy