NAKAHINGA nang maluwag si Miley dahil nakikipagkaibigan na si Blizzard kay Lorenz.
“I’m proud of you, Blizzard. Matured ka na.”
“Tama, pare. Maganda na nga ang attitude mo ngayon. Kaibigan din naman ang turing ko sa iyo.” Masaya ring sinabi ni Miley.
“Na kay Miley na ngayon ang disisyon kung sino talaga ang pipiliin ng kanyang puso. Mahal na mahal ko pa rin siya pero just in case, kaibigan na lang ang ituturing niya sa akin ... mauunawaan ko. And I’ll be happy to let her go basta alam kong iingatan at mamahalin naman siya ng ipapalit niya sa akin.”
Hindi nakasagot si Lorenz, na-awkward.
Si Miley ang bumasag sa nakakailang na sitwasyon. “Our priority is ang pagligtas sa atin. Let’s all pray na makakaligtas ang mga piloto sa storm na dumating na. Para mailigtas din tayo dito.”
Lumakas na ang ulan, lumakas na rin ang hangin.
At inuuga na ang malapad na kahoy na sinasakyan nina Miley. Kumapit sa isa’t isa ang tatlo para may lakas silang manatili sa ibabaw ng kahoy.
Makikitang ganoon din katibay ang mga tao sa talampas. Kumakapit din para hindi sila mahulog sa tubig-dagat.
Sina Miley, ang mga tao sa talampas ay nagdadasal nang malakas. Tumatawag sa Diyos. Bumuhos na nang husto ang ulan, umihip nang husto ang hangin.
Pero maya-maya ay himalang tumigil at nagliwanag ang langit.
“Dininig kaagad ang mga dasal natin! Maayos na ang panahon!” Sigaw ni Miley.
“Tingnan n’yo!” Nakaturo si Lorenz sa langit.
Pati ang mga tao sa talampas, nakita rin ang itinuro ni Lorenz.
“My God! Dalawang rescue planes! Ibinababa na nila ang mga hanging na hagdanan! Pati na rin mga rescuers, they’re going down to get us! Thank you po, God! Thank you po!” Sigaw ni Miley.
At lahat ay nakuha ng mga rescuers. Nailigtas.
Si Doktor Larry ay talagang nagbalik na sa dating itsura. Si Doktora Joanne ay nagbalik na rin ang normal na pag-iisip. Nagyakap ang mag-asawa.
“I love you, Larry! Makakabalik na tayo sa ating mga anak!”
“Yes, Joanne! Let’s live a happier second life!”
Sina Miley, Blizzard at Lorenz naman ay masayang nagkakatinginan na lang.
“May the best man win.” Sabi ni Lorenz.
“Basta sino man ang pipiliin ni Miley, walang pikunan! Tatanggapin ang kapalaran!”
Natawa si Miley. “Hindi ko pa kailangang mamili. I want you both to be my friend. Bata pa ako, matapos ang kakaibang karanasan, I just want to enjoy life! At saka my parents deserve my undivided attention now! Oh, how I miss them!” Wakas