Mas madaling makaramdam ng malungkot dahil sa mga pinagdaanang hirap. Pero huwag kalimutan na marami ring bagay na dapat ipagpasalamat sa buhay.
Hindi man materyal na blessings pero mas higit na bigyan ng pansin dahil malaki ang naitulong para masabing naging maganda pa rin ang taong 2015.
Panginoon – Unang dapat na pasalamatan ng buong puso dahil naging mabiyaya ang buong taon sa kabila ng kahirapan, pagsubok, at pagtatagumpay.
Pamilya – Minsan ba naisip mo nang kung dahil sa mga magulang, ay wala ka rin sa mundong ibabaw. Huwag kalimutan na ang lahat ay iniwanan ka na at puwede iwanan sa ere. Pero laging nandiyan lang sila na inuuwian sa araw-araw, pero hindi man lang mapasalamatan.
Kalusugan – Higit na magpasalamat kung sa pagpasok ng taon ay malusog at walang karamdaman. Kaya mas magagawa pa ang pangarap sa buhay. Kung may sakit, aba magpagaling hindi pa huli ang lahat, gugulin ang bawat oras at minuto na maging makabuluhan ang araw na lilipas.