Narito ang mga ritwal na puwede ninyong gawin upang magkaroon kayo ng masuwerteng Bagong Taon:
1--Masuwerteng mag-wish sa kauna-unahang full moon ng January 2016. Ibulong ang wish sa gabing bilog ang buwan. Pinaniniwalaang matutupad ang wish bago magtapos ang taon.
2--Ito ay para lang sa mga matatandang dalaga o binata. Gawin sa December 31 ang ritwal na ito para malaman kung may pag-asa ka pang makapag-asawa: Tumapat sa punong maraming branches. Ihagis paitaas ang iyong sapatos sa mga branches. Kapag nasuwertihang sumabit ang sapatos sa branch ng puno, ibig sabihin nito ay mag-aasawa ka. Puwedeng ulitin nang siyam na beses ang paghahagis ng sapatos kung sumasablay.
3--Maghain sa hapag kainan ng mga sumusunod na pagkain sa Media Noche: isang bowl ng bigas; 5 uri ng prutas; 2 pirasong kendi na may pulang wrapper; isang uri ng native kakanin; 2 red envelop na may lamang pera at ilalagay sa ibabaw ng bigas. Kakainin sa January 1 ang lahat ng inihaing pagkain except sa bigas na may envelop. Ilagay ito sa altar.
4--Pagsapit 12 midnight ng January 1: Tumayo sa pintuan na nakaharap sa loob ng bahay. Ihagis mo paloob ang 88 coins at 88 pieces of quiat-quiat. Hayaang nakakalat lang ang mga ito sa sahig. Kinabukasan ng umaga, kainin ang quiat-quiat at ilagay sa altar o ikalat sa apat na sulok ng bahay ang 88 coins.
5--Masuwerteng ihanda sa Media Noche ang pulang isda, hipon, bola-bola, pansit, spaghetti, siomai at lahat ng pagkaing bilog, matatamis na pagkain, native kakanin.