Hindi maiiwasan na merong matirang pagkain mula pa Noche Buena at kinabukasan sa araw ng Pasko. Sa rami ng mga nakahain ay tiyak na meron ding natira sa mesa.
Sa wais na nanay ay agad na inilalagay ang left over sa refrigetator. Karaniwan tumatagal ang pagkain ng apat na araw lamang. Kailangang kainin na ito in time, bago pa mapanis. Kung hind makakain sa loob ng apat na araw ay i-freeze ang pagkain ng mahigpit.
Para maiwasan ang food poisoning na nagsisimula sa harmful organism, tulad ng bacteria na nakokontaminado ang pagkain. Kadalasan ang bacteria ay hindi binabago ang lasa, amoy, texture ng pagkain kaya hindi masasabi kung mapanganib kainin. Kaya kung nag-aalanganin ay mas magandang itapon na lang ang pagkain.
Maiiwasan ang food poisoning kapag na-handle ng maayos. Kailangan lang i-practice ang food safety, sa simpleng bagay na mabilis na ilagay sa ref ang perishable foods tulad ng karne, poultry, isda, dairy at eggs. Huwag hayaang nakatiwangwang ng dalawang oras ang pagkain lalo na sa typical na room temperature o mahigit sa 90 F (32 C).
Ang hindi nilulutong pagkain tulad ng malamig na salad o sandwich na dapat makain agad o ilagay din sa ref. Ang goal ay dapat ma-minimize ang pagkain na ma-danger zone sa temperature sa pagitan ng 40 at 140 F (40 at 60C) kung saan ang bacteria ay mabilis na kumalat.
Iniinit ang mga leftover sa oven o stove na aabot sa 165 F (74 C) o sa apoy na 165 F (74 C) na init, mas maganda kung sa mahinang sindi, pero huwag na uling isalang sa apoy kapag kakainin uli.