1-Gumamit ng cleaning product na iisprey lang sa wall ng toilet. Hindi na kailangang mag-brush. Maghintay lang ng ilang minuto, kusang maglalaho ang molds and dew.
2-Gumamit ng body wash or liquid shower gel sa halip na pangkaraniwang sabon para walang soap scum na sisingit sa tiles.
3-Lalaki man o babae, mainam na umihi nang nakaupo. Mabilis manlimahid ang toilet kung nakatayo sa pag-ihi.
4-Sa mga babaeng marami pang kaartehan sa paliligo—wait for 5 minutes bago banlawan ang hair conditioner or 10 minutes kung gumamit ng whitening soap—maglinis ng toilet during “waiting time”.
5-Magwalis araw-araw. Mas kakaunti ang gugugulin oras kung regular na maglilinis.
6-Madaling paglinis sa microwave oven: Paghaluin ang 2 cups water at kalahating tasa ng white vinegar sa microwave-safe bowl. Ilagay sa microwave at painitin ng 3 minutes. Tanggalin ang bowl. Punasan ang loob ng microwave oven.-Itutuloy