Mahigpit na utos ni Daddy

Dear Vanezza,

Darating po ang daddy ko ngayong Pasko mula Saudi. Umuuwi lang siya tuwing after two years at isang buwan naman nagbabakasyon. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang nasa gitna, at hindi ako close kay Daddy. Ngayon ay 16 years old na ko, at maraming ipinagbabawal si Daddy tulad ng hindi ako puwedeng makipag-boyfriend. Mayroon akong manliligaw na gustung-guto ko pero natatakot ako na sabihin kay Daddy. Tama ba na hihintayin ko na lang siyang umalis pabalik ng Saudi at saka ko na lang sagutin yung guy na type ko? - Meanne

Dear Meanne,

Makinig ka sa Daddy mo dahil bata ka pa at marami pang dapat malaman. Marami nang kabataan ang nasira ang buhay dahil hindi sila nakinig sa utos ng kanilang magulang. Tandaan mo nasa huli ang pagsisisi. Kung talagang mahal ka ng manliligaw mo. Hayaan mo siyang ma-meet ng Daddy mo. Para makilatis ng ama mo ang tunay na intensyon sa iyo ng lalaki. Hayaan mo rin ma-enjoy ang moment kasama ang Daddy mo habang nagbabakasyon. Kahit hindi kayo close ay samantalahin mo ang makapiling siya lalo na ngayong Pasko.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments