Ilang araw na lang ay Pasko na at ngayon pa lang ay marami nang iniisip at alalahanin na nagbibigay pa lalo ng pressure sa paparating na gastusin.
Aba, dahan-dahan lang dahil maraming senyales ng anxiety na hindi namamalayan sa dala ng kapaskuhan na nararamdaman ng marami tulad ng sobrang pawisin, muscle tension, nahihirapan matulog, pananakip ng dibdib, bumibilis ang tibok ng puso o nagpa-palpitate, ang isip at katawan ay hindi nakikipag-cooperate kahit ano pang gawin, isip nang isip, at paibaba ng desisyon.
Relaks lang at gawing hassle free ang Pasko. Maging realistic at huwag masyadong umasa kung makatatanggap ng regalo, mananalo ng cash o item sa pa-raffle ng opisina o barangay. Para hindi rin masyadong masaktan at mabigo sa inaasahan.
Basta enjoy lang ang moment kahit gaano pa kaliit o kalaki ang ginagawang paghahanda sa okasyon.
Iwasan din ang sobrang gastos, paano na pagkatapos ng Pasko eh ‘di ubos biyaya at nganga rin ang pamilya dahil nagpakagalante sa mga inaanak at kaibigan.
Makatutulong ang pag-uusap ng pamilya para mas magaan ang paghahanda sa pagsapit ng kapaskuhan.
Higit sa lahat ay pahalagahan ang kalusugan para maraming Pasko pa ang iyong ipagdiriwang.