Ngayon Christmas season ipinagdiriwang din ang kapayapaan, good will, at reconcillation. Pero marami pa ring pamilya, magkakaibigan, at kaopisina na namamayani pa rin sa puso ang bitterness, depression, galit, pagkainggit dahil na rin sa mga hindi pagkakaintindihan.
Ang conflict sa pamilya maging sa ibang tao ay laging may tension na puwedeng mag-trigger anytime, pero mas nagbibigay ng stress at pressure sa panahon ng holiday at reunion lalo na ngayong darating na Pasko.
Panahon na para maiayos ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya, kamag-anak, at kaibigan. Totoo naman na hindi makokontrol ang ugali ng ibang tao. Pero puwedeng ikaw mismo ay maging responsable sa iyong sarili. Iwaksi ang galit at bitterness sa puso. Ipakita ang pagpapakumbaba at lunukin ang pride alang-alang sa paggunita ng Kapaskuhan. Huwag kalimutan ang mensahe ng Pasko na hindi lang nagkatawang tao ang Dios kundi ginawa Niya ito para abutin ang sangkatauhan at magpatawad sa kasalanan.
Kung ang Dios ay nagpapatawad, walang dahilan para magmatigas pa, kundi dapat ay mag-abot din ng kapatawaran sa kapwa. Yakapin ang pagpapakumbaba at ibahagi sa pamilya at kaibigan na senyales ng pag-aalay ng kapayapaan na dahilan kung bakit ipinagdiriwang ang Kapaskuhan.