Karaniwan na kapag may problema ay tumatawag agad ng taga-rescue para maresolbahan ito. Agad ay nanghihingi ng payo sa mga expert sa partikular na problema.
Siyempre kung kinakailangan ng accurate na impormasyong kailangan talaga ang tulong ng eksperto halimbawa ng mga tao sa real state, bangko, o maging sa mga doctor.
Ganito rin pagdating sa negosyo, imbes na maghanap pa ng iba na sasagot sa problema, ikaw na mismo ang mag-practice ng sariling field of expertise sa iyong business.
Pagkakataon ito para ipamalas ang quality na nalalaman sa negosyo at ibigay ang tulong at serbisyo na hinahanap ng mga customer. Tiyak din na magiging word of mouth ang maganda at kagalingan ng expertise sa negosyo.