Marami ang napabilib sa idea ng MODOBAG. Ang latest luggage na may advance motorized technology.
Imagine hindi ka na mahihirapan sa kahihila ng suit case sa pagbibiyahe dahil puwede na rin itong upuan at sakyan hindi lang sa loob ng airport, kundi sa ibang lugar bitbit ang iyong bagahe.
Mayroon itong standard suitcase na laki na may malawak na 2000 cubic inches ang packing space at may lagayan din ng electronics na safe kahit upuan ang luggage. May GPS tracking, dual USB charging Ports. Puwedeng sumakay ang may timbang na 200 lbs hanggang 260 lbs na dadalhin ka sa iyong destinasyon ng mas mabilis na oras.