Nahihirapan bang magsabi ng “hindi” sa ibang tao? Alam mo ba kung paano tumanggi? Aminin na may time na gusto natin na magsabi ng “no” kapag may nanghihingi ng request. Bahagi nito dahil ayaw natin makadismaya ng ibang tao. Madalas din ayaw natin ma-jeopardize ang ating relasyon sa iba.
Kaya hanggang maaari ay sumasang-ayon agad, kaysa sa tumanggi sa pabor na hinihiling sa atin.
Hindi lahat ng pagsasabi ng “oo” ay sagot sa mga kadahilanan na ang totoo ay pagtanggi sa maraming bagay. Puwede kasing sumagot ng oo sa hindi mo naman talaga gustong gawin, at the same time ay tumatanggi ka ring matupad ang pangarap sa buhay. May ilang bagay na dapat tanggihan sa buhay:
Career – Timbangin na kung okey man ang kompanya, trabaho, maganda ang suweldo, pero ito ba ang pinaka-importante gustong gawin sa buhay? Kumpara sa mas masaya at mas fulfilling na tumutulong sa ibang tao. Basta ba kung saan matutupad ang passion sa buhay, kahit kinakailangan magsimula muli sa zero.
Oportunidad – Maraming tao ang maluho sa katawan. Madalas ay nasasayang ang resources at pera na hindi naman nakatutulong na matupad ang goal. Sa halip ay mag-invest ng oras at lakas na naka-align sa personal na vision na kung pag-iipunan na sa kalaunan ay puwede na ring pangtayo ng negosyo o bahay na matagal nang pinapangarap na maisakatuparan sa buhay.
Activities – Ang pagtanggi sa request ng iba ay pagbibigay din respeto sa sariling goal at pangarap.
Puwedeng tumanggi sa mga activities na hindi naman mahalaga para sa iyo dahil nakakaubos lang ng lakas ang mga bagay na hindi nakapagpapasaya sa ginagawa ng isang tao. Sa halip na mas masayang kasama ang pamilya, asawa, at anak pero negatibong vibes pa ang napala mo.
Walang masama sa pagsasabi ng oo, basta ba siguraduhing hindi sasama ang loob sa pagtupad ng request ng ibang tao. Hindi rin masama ang tumanggi at nagsasabi ng totoo kung labag ito sa kalooban, lalo’t magiging sagabal ito sa priority sa buhay.