Paano haharapin ang stress sa positibong pananaw?

 Madalas ang stress ay nagdadala sa pinaka-worst sa isang tao. Hindi man inaasahan dahil sa stress ay nakasasakit din ito ng ating damdamin.

Sa halip na ma­sa­bo­tahe ang mga plano dahilan sa stress, ga­win itong oportunidad na mailabas ang pi­na­kamaganda mong katangian. Narito ang ilang suggestions para malaban ang stress:

Openness: Ang stress talaga ay nagba­bago ng rules dahil du­ma­rating ito sa hindi inaasahan, dapat ay bukas sa mga posibleng mangyari. Kaya mas ma­daling harapin ang sitwasyon  na sa halip na mainis ay gawin itong pagkakataon na i-explore ang pangarap at goal sa buhay.  Ilabas ang galing at talento sa pahanon na hinahamon ang kakayahan, imbes na sumuko o madisma sa pangyayari. Dahil hindi naman talaga maiiwasan ang stress, kaya ibigay ang best shot at enjoy ang hirap, magpokus, at gawing advantage ang pagkakataon.

Disposisyon – Imbes na masiraan ng loob sa mga pagkakamali at mabagot o madismaya dulot ng stress, pag-aralan ang nangyari at gawin itong guide para magkaroon ng mas magandang pananaw sa buhay. Idebelop pa ang sarili sa mga feedback at karanasan sa mga pinagdaanang sitwasyon.

Show comments