Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang ako sa alyas na “Two-timer”. Ako po’y isang babae na nagkakagusto sa lalaki. Pero hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit attracted din ako sa kapwa ko babae. Mayroon akong bf ngayon pero at the same time ay mayroon din akong girlfriend. Hindi alam ng bf ko ang aming relasyon. Buong akala niya ay best friend ko lang ang gf ko. Kung minsan nga ay kasama ko silang dalawa sa pagdi-date. Hanggang sa dumating yung time na nakakahalata na ang bf ko. Sinabihan niya ako na huwag akong maging very close sa aking gf dahil hindi magandang tingnan. Pero talagang ganoon na kami eversince. Katunayan bago ko ma-meet ang bf ko ay buo na ang relasyon namin ng aking gf. Hindi ko kaya na mawala ang sino man sa kanila. Ano ang gagawin ko?
Deat Two-timer,
Madali kong sabihin sa iyo na itigil mo na ang relasyon sa kapwa babae, pero siyempre mangingibabaw pa rin ang damdamin mo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon sa dakong huli. Kung gusto mong manatiling pusong babae kalimutan mo na ang lalaki sa buhay mo. At kung gusto mo namang magpakababae, putulin mo na ang relasyon mo sa iyong kapwa babae and stick with your bf. It doesn’t look moral and normal na dalawang tao na magkaiba ang kasarian ang karelasyon mo. Pumili ka lang: Sa tama o sa mali? Ano ang gusto mong maging, babae o tomboy? Make a choice. Lahat tayo ay binigyan ng freedom of choice ng Diyos but your choices have their respective consequences.
Sumasaiyo,
Vanezza