APEC-tado ba ang bonding time?

APEC-tado man ang karamihan sa pagdaraos ng summit sa ating bansa, samantalahin ang mga araw na walang pasok sa opisina at eskuwelahan kasama ang anak at pamilya sa bahay.

Hindi kailangan ng malalaking gestures sa pagba-bonding kasama ang pamilya. Ang pagtulong sa homework ng anak at pakikipagkuwentuhan habang sabay-sabay kumakain ay malaking hakbang na para magkaroon ng paraan ng koneksyon sa mga bata, may okasyon man o wala.

Sa lahat ng relasyon, maghanap ng parehong interest na puwedeng dahilan ng pagsasamahan sa bonding time.

Ang simpleng pagyakap at  pagkiliti sa mga bata o pakikipag-holding hands kay mahal ay puwede nang simula ng link sa pisikal at emosyonal na connection.

Show comments