Utot pampagaling ng kanser

Nakatawag ng pansin sa social media ang pag-aaral ng University of Exeter na sinasabing ang pag-amoy ng utot ay puwedeng gamot sa kanser pati na rin ang ibang sakit. Pero sa research, hindi naman tahasang nagsasabi kung ang utot ay talagang may healing power na kakailanganin pa ng malalim na pag-aaral dahil sa marami pang komplikadong bagay na dapat ikonsidera ang nasabing konsepto.   

Ang utot ay hydrogen sulphide na isang gas na inilalabas ng ating katawan na may mabahong amoy. Sa pag-aaral, kakailanganin na maglabas ang ating katawan ng compound na AP39 para magkapag-release ng mas maraming hydrogen sulphide na makabubuo ng panlunas na cell. Ang maliit na doses ng hydrogen sulphide  ay puwedeng protektahan ang cell mitochondria, na nagbibigay ng cell energy para panlaban sa mga sakit.

Maraming scientists, ang nagtatanong kung bakit hindi agad nagkaroon ng pag-aaral noon pa man tungkol sa pag-utot. Karaniwan  ang isang tao ay umuutot ng 14 beses sa isang araw. Pero marami pa rin ang may sakit kahit patuloy na nakaaamoy ng mabahong utot.

Nagkaroon tuloy ng joke na kapag nagkataon ay puwede nang mag-donate ng utot kung mapapatunayan na totoo ang pag-aaral balang araw.

 

 

Show comments