Importante pa ba ang kasal?

*Yes!  In sickness and in health, for reacher or for poorer, till death do us part, kaya nga yan ang katagang sinasabi sa kasal dahil ito ay commitment ng bawat isa sa harap ng Panginoon at sa buong pamilya na bubuuin nila. – Mia, Malabon

*Puwede bang assurance muna na kung talagang kayo sa isa’t isa. Bago patali sa partner? Kasi naman hindi mo rin masasabi kahit mahal mo nga kaso ‘kapag nagsama na kayo dun mo lang makikita ang tunay na kulay ng pagkatao niya. Kaya nga marami ang broken family kasi sa bandang huli lahat sila nagsisisi.

– Aileen, Singapore

*“At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay mag-isa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. … Kaya’t iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila’y magiging isang laman” (Genesis 2:18, 24). Bible na mismo ang nagsasabi na ang kasal ay institusyong itinatag para lahat ay may kaayusan ang buhay pamilya. – Mary Rose, Cainta Rizal

* Kasal ay pagbubuklod ng mag-asawa na haligi ng ating lipunan. Ituro lang natin sa mga kabataan ngayon ang sabi ng matatanda na hindi ito kanin na kapag  napaso ay basta mo lang iluluwa. -  Quel, Antipolo

 

Show comments