Paano Akitin ang Good Luck?

Pagpulupot ng tali sa hinliliit

1-Kumuha ng 30 centimeters green cotton knit string.

2-Sa  lalaki, ipulupot clockwise ang tali sa kaliwang hinliliit ng limang beses. Kanang hinliliit naman ang pupuluputan ng tali sa mga babae.

3-Sa ganitong paraan, inaakit mo ang wealth luck sa iyong buhay. Sa lahat ng daliri, hinliliit ang nakaugnay sa kayamanan. Mula ito sa paniniwala ng mga Cantonese.

4-Palitan ang tali kapag nabasa.

Kapag nagsusugal

1-Kapag nananalo ka sa sugal, huwag kang aalis sa iyong puwesto para umihi o maghugas ng kamay.

2-Ang tubig ay simbolo ng pera sa Chinese. Kapag umihi ka, ang ibig sabihin nito ay itatapon mo ang pera. Tapusin muna ang laro bago umihi.  O, kapag naghugas ka ng kamay ay itinatapon mo ang suwerteng nakadikit sa iyong kamay. Ang “pee” sa Cantonese ay may translation na “to let go of water”.

3-Bago umpisahan ang pagsusugal, make sure na walang taong nagbabasa sa harapan mo o sa likuran. Ang salitang “book” ay katunog ng salitang “lose” sa Chinese word.

4-Huwag makikipagsugal sa buntis. Mas masuwerte sila sa inyo dahil bitbit nila ang good luck sa loob ng kanilang tiyan. Pero masuwerteng may buntis na nanonood sa iyong likuran habang ikaw ay nagsusugal. -Itutuloy

 

 

Show comments