Island of the Undead 113

NANG masukol ang undead soldier, takang-taka nga sina Miley. Wala na kasi silang nakitang iba pang undead soldiers

“Sigurado tayong siya lang. Bakit kaya? Parang naligaw lang siya dito.” Tiningnang mabuti ni Miley ang undead soldier na ngayon ay bihag na nila. Natalian na sa mga kamay at paa.

“Hoy, nasaan ang mga kasama mo?” Tanong ni Blizzard, pangyanig ang boses.

Wala silang nakuhang sagot. Tahimik lang ang undead soldier. Nakatitig lang ito kay Doktora Joanne.

Si Doktora Joanne naman ay parang hindi rin maalis-alis ang mga mata sa bihag nila.

“Hindi ba nagsasalita naman ang mga ‘yan. Ang iba nakakapagtagalog. Ang iba, nagsasalita sa sarili nilang wika.” Sabi naman ni Lorenz.

“Mabuti pa gayahin natin ‘yung ginawa ni Doktor Larry kay Reyna Coreana. Isaing na rin natin sa kawa ang undead soldier na ito. Hanggang sa mamatay. Huwag tayong maawa sa kanya. Marami nang napatay ang mga sundalo ni Reyna Coreana. At mga malulupit sila!” Galit na galit si Blizzard, siguro dahil nga sa lahat ay siya ang nag-suffer nang husto.

Ginawa kasi siyang taong aso at ganap na aso ng reyna.

Hindi na kumontra si Lorenz. Hahayaan na lang si Blizzard para wala nang gulo.

“Bahala ka na. Sa iyo na ang bihag. Ikaw na ang bahala kung gusto mo talaga ‘yang maikawa.”

“Salamat naman. Lahat na galit ko sa mga undead, sa nag-iisang ito ko ibubuhos.”

At hinila na ni Blizzard malapit sa kawa ang undead soldier. Iling nang iling ito, nasa mga mata ang sindak.

Wala namang pakialam na ilalagay na sana ni Blizzard sa kumukulong tubig ang undead soldier.

Nang biglang humarang si Doktora Joanne. “Huwag! Hindi pwede! Pakawalan n’yo siya!”

“Bakit ho, Doktora? Kapag pinakawalan natin ‘yan, baka sa susunod na paglusob nila sa atin, iyan pa ang papatay sa inyo.” Sagot ni Miley.

Umiling ang doktora, tumulo ang luha. “Hindi mangyayari ‘yon. Hinding-hindi niya ako papatayin. At kahit sino man sa inyo. Mabait siya kasi siya si ...” - ITUTULOY

 

Show comments