8 ‘health myths’ Part 1
…na dapat nang ilibing sa limot dahil walang katotohanan:
1—Ang pagkain ng low-fat versions kagaya ng Low-fat cream, low-fat butter, low-fat mayonnaise, low-fat cheese, low-fat chips ay nakakapayat.
Hindi totoo, ngunit sa kabilang banda, mas okey na piliin ito kaysa produktong nagtataglay ng full fat para bawas bad cholesterol.
2—Ang pag-inom ng mainit na gatas ay nakakapagpatulog. Ito ay isang lumang paniwala na walang katotohanan. Ang gatas ay may maliit na amount ng tryptophan na nakakapagpahimbing ng tulog. Ngunit kailangan mong uminom ng isang gallon gatas sa isang upuan para ito ay magkatotoo. Madaling makatulog yung iba pagkatapos uminom ng gatas dahil sa placebo effect – ‘yung gumagaling ang pasyente dahil iyon ang inaasahan niyang mangyayari pagkatapos inumin ang gamot.
3—Lalong nagiging malikot at makulit ang mga bata kapag nasobrahan sila pagkain ng matatamis. Hindi totoo ‘yan. Ang perwisyong gagawin ng sobrang pagkain ng matamis ay magiging tabatsoy sila at mabilis masisira ang ngipin lalo na kung tamad magsepilyo.
4—Ang pagkain ng chocolates ay nakakapagpatagihawat. Ang pangunahing dahilan ng pagtubo ng tagihawat ay hormonal changes at kakulangan sa kalinisan. Ang chocolates kung tutuusin ay pampaganda ng kutis, lalo na ang dark chocolates dahil mayaman ito sa flavonoids at antioxidant. (Itutuloy)
- Latest