1-Kung may itinanong ka sa isang tao at sa palagay mo ay sinadyang ibitin ang sagot sa iyo. Huwag kang magsasalita. Tumitig ka sa kanyang mata na parang naghihintay ka ng karugtong na sasabihin. May tsansa na ituloy niya ang pagsasalita at kumpletuhin na ang impormasyon.
2-Para hindi magbuhul-buhol ang kuwintas na dala mo sa iyong maleta kapag nagbibiyahe, isuot ito isa-isa sa softdrink straw. Tingnan sa larawan.
3-Bago umalis para magbakasyon sa abroad, i-scan ang inyong passport, at ID at i-email sa sarili at sa isang immediate family.
5-Magagamit pa rin ang nanunuyo at nagbubuo-buong mascara kung lalagyan mo ang tube ng kaunting contact lens solution.
6-Ang eyeliner pencil ay magiging eyeliner gel kapag pinainitan mo ito sa lighter bago gamitin.
7-Para hindi mangitim ang mansanas na hiniwa: Ibabad sa tubig na may honey.