Ano ang mga maling akala tungkol sa ating mata?

Madalas pinagbabawalan ng magulang ang mga bata na manood nang malapit sa harap ng TV.  Ang totoo wala pang ebidensiya na nagpapatunay na ang panonood ng masyadong malapit sa TV ay  nakasisira ng mata.

Ayon sa American Academy of Opthalmology (AAO), sadyang ang bata ay nakakapokus  sa TV sa kanilang pananonood kapag sila ay mas malapit sa harap ng screen na hindi napapagod ang kanilang mga mata, hindi katulad ng mas nakatatanda.

Samantalang ang panonood  ng TV at pagbabasa ng reading materials nang malapit ay sign na ikaw ay nearsighted.

Sinasabihan din tayong baka mahipan ng hangin kapag naglalaro ng duling-dulingan. Ipikit mo lang ang mata at babalik na ito sa rati. Pero kapag ang anak mo ay madalas ang  mga mata ay naduduling ipakonsulta agad ito sa ophthalmologist. 

Ipaalam din ang visual history ng inyong pamilya sa iyong pag-checkup kung ikaw ay may katarata na posibleng namana mo naman sa iyong magulang.

Ayon din sa research, hindi rin nakasisira ang computer sa ating mga mata. Pero ang mahabang oras na pagtutok sa computer ay nababawasan ang pag-blink ng mata. Ganoon din sa matagal na pagbabasa o iba pang malapitang pagtingin sa isang trabaho.  Sa ganitong paraan natutuyo ang ating mga mata kaya nakararamdam tayo ng eyestrain o pagkapagod. Kaya sabihan ang mga bata na mag-break sa kanilang paglalaro sa computer games o  pag-surf nila sa Internet.

Totoo naman na ang pagkain ng carrot ay mayaman sa vitamin A, na mahalaga sa ating mata, pero meron din ibang pagkain tulad ng asparagus, kalabasa, at gatas. Ang well-balance na diet ay puwedeng magbigay  ng vit. A na kailangan sa ating paningin. 

Mali rin ang paniniwala na nakasisira ng mata sa bata ang maagang pagsasalamin o palagiang pagsuot ng eyeglasses. Mas magandang maagang ma-detect kung ang bata ay near o far sighted, o may astigmatism ang isang o indibiduwal. Sadyang genetic lang ang ibang dahilan ng iyong pagsasalamin na nagbabago habang nagkakaedad ang isang tao. (source:kidshealth)

Show comments