Para maging tapat ang kasintahan

Kailangan: Fresh buko juice, basong kristal, malinis na pulang tela

Paraan:

1-Gawin sa Friday ang spell  o kaya ay sa 10th day pagkatapos ng New Moon. Ang wastong pagbilang ay mag-uumpisa ang bilang sa new moon as day one. Maghukay sa inyong garden. Ang hukay ay sapat upang maibaon ang isang baso.

2-Bumili ng fresh buko. Isalin sa isang basong crystal. Dapat ay willing kang basagin ito. Ikaw na nagsasagawa ng spell ang unang iinom ng buko, mga 3 lagok lang. Pagkatapos ay painumin din ng 3 lagok ang iyong kasintahan.

3-Ibalot sa red cloth ang basong may natirang buko. Be careful na hindi tumapon ang laman habang ibinabalot ito sa tela. Ilagay sa hukay. Basagin ang baso gamit ang martilyo o bato.

4-Tumayo sa tabi ng hukay at humarap sa Southwest. Habang nakaharap sa Southwest ay bigkasin ang mga sumusunod na affirmation:

“(Pangalan ng kasintahan) sa harap ng kapangyarihan ng pag-ibig, hinihiling kong magtatagal ang ating relasyon”.

Bigkasin ito ng 9 na beses. Tabunan ng lupa ang hukay na kinaroroonan ng basong basag.

Show comments