Mahalaga ang tubig sa ating katawan. Makakatiis na mabuhay ang tao ng ilang linggo nang walang pagkain, pero hindi natin kakayanin ang limang araw na walang tubig. Halos 75 % ng ating utak hanggang 85% ay naglalaman ng tubig. Dumadaloy naman sa ating kalamnan ay 70% ay tubig.
Marami rin pakinabang ang tubig sa kalusugan dahil tinutulungan ng tubig na tunawin at sipsipin ang ating kinakain na siyang nagdadala ng mga sustansiya sa ating mga selula.
Naglilinis din ang tubig ng toxic o basura sa ating pagdumi. Tumutulong din ang tubig na pampadulas sa ating kasukasuan hanggang kolon.
Kapag uminom ng sapat na tubig madali kang papapayat. Ang tubig kasi ay walang calories, walang taba, at mababa ang sodium. Kapag uminom ng tubig napipigilan nito ang gana mo sa pagkain. Kaya hindi na makakain dahil nabusog ka na sa ininom mong tubig. Tumutulong din ang tubig na tunawin ang mga nakaimbak na fats sa ating katawan. Pero kapag kulang ka naman sa tubig, naaapektuhan ang bato o kidney at hindi ito gagana nang husto. Tumutulong man ang atay, pero sa paggawa nito, nahahadlangan naman ang kakayahan nito na mabilisang tunawin ang taba. Kaya ang fats ay nananatiling nakaimbak sa katawan, kaya lalo ring tumataba ang isang tao.