May Ibig Sabihin ang ‘Hairstyle’ Mo

(Last Part)

Hairstyle na tinatakpan ang pisngi – Nagsisikap na maging mahusay sa lahat ng bagay para isipin ng publiko na magaling siya. Pero sa kaibutu­ran ng kanyang puso, tinatanong niya ang sarili kung totoo bang magaling siya. Laging nagdududa sa kanyang kakayahan.

Hairstyle na tinatakpan ang noo o may bangs – May sekreto siya na iniingatang mabuking. Maganda ang kanyang ugali pero hindi ito nahahalata ng ibang tao. Halimbawa: Sa umpisa ay mukhang masungit pero kapag nakilala na siya nang matagal, malalaman ng mga tao na mabait pala.

Show comments