Ang salitang “app” ay pinaikling term na “application software” na lumabas noong 2008 na kalaunan ay naging “app phones” at hanggang sa naging simpleng tawag na “app” na lamang.
Ang mobile app ay isang computer program na originally ay ginawa para maging mabilis ang pagproseso ng production maging sa information retrieval, kasama na ang email, calendar, stock market, at weather information. Pero dahil sa nagkaroon ng public demand, pinalawak pa ang categories mula sa desktop application at software na mabilis ding tinangkilik kaya na-develop pa ito nang husto, na lalo pang lumawak ang mga paggamit nito sa online app kaya nakadiskubre ng iba’t ibang malikhaing serbisyo para sa mga users. Kahit anong specific na kailangan mong apps ay puwede nang i-download na meron ding libre at iba ay may bayad din sa inyong mga cell phone, computer, table, o laptop.