“ANG hirap sa ‘yo, Doctor Larry, napakadali mong bumalimbing! Kinampihan mo agad ang gustong mangyari ng napakasamang reyna ng Isla!
“And I hate you dahil ipinagbili mo na ang prinsipyo mo bilang matinong tao!” madiing sumbat ni Miley, sagad ang ngitngit sa beteranong plastic surgeon.
“Huwag mo akong husgahan, Miley! I have my own reasons, at pawang valid iyon!
“Wala ka kasi sa sitwasyon ko, Miley! Sangkot dito ang kinabukasan ng maliliit pa naming anak ni Joanne!”
Natahimik si Miley sa narinig. Akalain ba niyang merong involved na mga batang maliliit?
Jeez, kung bubuksan ang kanyang puso at babasahin ang nakasulat, matutunghayan doon ang malabis niyang pagpapahalaga sa mga munting bata!
She was a little child once, alam na alam niya ang panganib at mga hamon na nakaamba sa inosente at musmos.
NGAYON nga’y narito silang mga tao sa kagubatan—si Miley, Blizzard na taong-aso, si Doc Larry at ang misis nitong si Joanne na nabuhay matapos mamatay nang maraming minuto.
Naghahanap sila ng materyales para sa gagawing bahay ni Reyna Coreana. Ang reyna ay nais nang tumira sa tunay na bahay.
“Sanay naman siyang tumira sa lilim ng malalaking punongkahoy, a! Bakit bigla siyang nag-ambisyong magkabahay?!”
“Miley, ano kaya kung unahin mo na lang muna ang pagsunod sa utos? Sa halip na nagsasayang ka ng laway.” Inis na si Doc Larry.
Buntunghininga na lamang ang naging tugon ni Miley, natuloy sa pagluha nang makitang katabi ang boyfriend na naging asong-tao.
Life is so unfair, himutok niya sa sarili, sa isip lamang.
MGA siit ng kawayan at mga tablang halos bulok na ang nakalap ng grupo.
Dinala nila agad iyon sa reyna ng Isla.
“Ano pa ang hinihintay ninyong mga tao? Gawin n‘yo na agad ang bahay ko dito sa aking Isla!
“Isang cute na bungalow ang gusto ko!” (ITUTULOY)