Mahabang Tungkod

Panaginip: May lalaki akong kasama sa loob ng isang kuwarto. May hawak itong tungkod na kahoy na  ipinanggising niya sa akin. Nagalit ako at  sabi ko’y may kamay siya, bakit tungkod ang ginamit niya. Ngumiti lang ang lalaki, humiga sa kama at ako ay hinalikan sa labi. Habang naghahalikan kami ay iniisip ko ang aking mister.---JAC

Interpretation: Ang tungkod ay simbolo ng ari ng lalaki. May darating sa iyong tukso. Sana’y manatiling matatag ang pagmamahal mo sa iyong asawa. Lagi mong alalahanin na mas masaya ang buhay kung walang nilolokong ibang tao.

 

Show comments