“KAILANGAN kong makuha ang saktong measurements mo, Miley,” sabi ni Doktor Larry habang inilililis na ang damit ng dalaga.
Awtomatikong pinigil ng kamay ni Miley ang paghuhubad sa kanya ng duktor. Pakiramdam niya’y she’s being violated.
Kung sinasadya o hindi ng duktor ay di niya alam.
Agad niyang sinabi ang vital statistics. Memorized naman niyang lagi ang measurements.
“34-24-36 p-po,” sabi niya.
“No, no, Miley. Ang ibig kong sabihin, ako mismo ang dapat makasiguro sa exact measurements mo.
“From head-to-toe. Kasama na ang private parts mo...” magalang na -paliwanag ng duktor.
Hindi nakapagpigil si Blizzard. “Mali na yata ‘yang nais mong gawin, Dok! Sabi mo nga’y private parts.
“Therefore huwag mong busisiin ang pribado.” Nakakunot-noo ang boyfriend.
Nagpakahinahon si Duktor Larry. “Ako, bilang matinong duktor, sanay na sa mga pasyenteng babae...
“Magaganda, pangit, matanda o kabataang gaya nitong si Miley. Kung nagbibintang kang nagte-take advantage ako, nagkakamali ka.
“Very professional ako.”
Nalilito si Miley kung papayag o hindi, itinaas nito ang kamay—humihingi ng maikling time-out.
“K-kakausapin ko lang po sandali ang boyfriend ko,” she said.
Tumango ang professional surgeon, hinabaan ang pasensiya. “You have two minutes. Maghihintay ako.”
Bulungan ang magkasintahan, seryoso ang paliwanagan.
“Palagay ko naman ay w-wala siyang malisya, Blizzard...”
“Lalaki ako, Miley, laging nagkakamalisya sa m-magagandang babae na hindi kadugo.”
“Pero, Blizzard, hindi siya basta lalake—duktor siya.”
Namula ang mukha ng boyfriend. “Iniinsulto mo ako, Miley! Minemenos mo ang aking pagkatao!” (Itutuloy)