NAUNAWAAN agad ni Miley ang nangyayari, kumbakit hindi sila makaalis sa kinaroroonan sa gitna ng dagat.
“Oh my God, may nakaharang na invisible wall sa palibot!
“Iyon ang dahilan kaya hindi tayo makadaan, hindi makalayo! Para tayong mga bilanggo!”
Gigil na gigil si Miley, alam na dinadaan sa black magic ng reyna ang paghadlang sa kanila.
Sa parehas na laro, ito ang tinatawag na foul.
Dapat daw ay merong referee na laging tama ang call.
Napapabuntunghininga sina Miley at Blizzard, alam na wala silang kalaban-laban sa tusong reyna ng Undead.
Nayanig si Miley nang masulyapan si Duktora Joanne. Hindi na kasi ito nakaupo sa balsa.
Ang duktora ay nakahiga at habol ang paghinga!
“Duktora Joanne?! Madam?!”
Halos bulong na lang ang tinig nito. “M-Miley... sigawan n‘yo si Larry...k-kailangn ko a-ang mister ko...
“I t-think inaatake ako s-sa puso...”
Nais mag-panic ni Miley, magsisigaw. Pero alam na lalo lamang magpapalala sa sitwasyon kapag siya’y naging iskandalosa.
Sinunod niya ang instruction ng duktora.
Ubos-lakas nang sinigawan si Duktor Larry. Sumakay sa hangin ang kanyang panawagan.
“DOKTOR LARRY! INAATAKE SA PUSO SI DUKTORAAA!”
Nasagap iyon ng pandinig ni Duktor Larry, loud and clear. Nangilabot ito.
Alam na napakatraydor ng heart attack!
“Damn it, reyna! Ibalik mo sa akin si Joanne! Ngayundin!”
Napaigtad si Reyna Coreana, ngayon lang merong nangahas sumigaw sa kanyang isang mortal.
“Gagong ulul ka pala, napakayabang! Gagawin kitang nakakadiring uod!”
“Gawin mo ‘yan at mananatili ka nang super-pangit, reyna! Ako lamang ng pag-asa mong gumanda!” (Itutuloy)