“UMAALIGID na sa’tin ang mga uwak, Blizzard...malapit ka na bang mamatay, my love?”para nang mababaliw na tanong ni Miley.
“Aaak-aak-aaa-aaak-aaakk!” Ang mga uwak ang tila chorus pang nagsisagot sa dalaga.
“Don’t you ever, ever die, Blizzard! Hindi ngayon! Not now!” Sinundan na ito ng hagulhol ng dalaga.
Pero patuloy sa paglala ang lagnat ni Blizzard. Makababasag na siguro ng clinical thermometer .
Iisa ang huling matatakbuhan ng dalaga, ang mahihingan ng tulong. Her last recourse. Sino pa nga ba kundi si Lord.
“Maraming-marami pa po kaming magagawang kabutihan sa Iyong mundo, Dear Lord! Palawigin Mo pa po ang buhay namin ni Blizzard!”
Napakataimtim ng dasal na iyon ni Miley sa Diyos, as always. Abot at dinig sa Heaven’s gate.
Mula sa kung saan ay narinig na lamang ni Miley ang isang pamilyar na tunog. Papalapit iyon mula sa gawing likuran niya.
It is a sound na nakasanayan na niya since childhood, noong ang bahay nila ay malapit sa airport.
KATAK-KATAK-KATAK.
Isang helicopter na wala nang babalang namaril sa mga kinatatakutan ni Miley na uwak!
BLAMM-BLAAMM-BLAAMM!
Asintado ang bumabaril mula sa helicopter; bawat bala ay hindi nasayang, tumama lahat sa target.
Sunud-sunod na nagbagsakan sa tubig ang mga uwak.
Natatanaw sina Miley ng mga nasa helicopter. Alam na walang laban sa nagsusungit nang dagat ang munting balsa.
“GET READY, guys! Pipik-apin namin kayo!” Gumagamit ng megaphone ang mga nasa helicopter.
“And don’t you worry! Kami ang good guys!”
Napaluha sa galak si Miley, alam na dininig ng Diyos ang panalangin niya. “Salamat po sa Inyo, Dearest Lord!”
- (ITUTULOY)