Island of the undead (40)

“GALIT na galit ako sa mga lasenggong gago, na walang kontrol sa alak!” talak ni Reyna Coreana, kita sa mga mata ang nagbabagang galit.

Kasasalaysay lang niya sa napakalagim na sinapit ng sintunado niyang half-brother na si Quinito.

Sina Miley at Blizzard ay abala sa hayok na pagkain sa simpleng putaheng kaloob ng reyna.

Naiisip ng young lovers  na posibleng ito na ang kanilang huling pagkain; their last meal bago mamatay.

“Miley, maghubad ka na ngayundin nang lahat-lahat mong damit—brassiere and panties,” utos ng reyna.

Kinilabutan ang dalaga. Kapag naliligo lamang sa saradong banyo siya naghuhubad nang lahat-lahat.

“Over my dead body!” tutol-sigaw ni Blizzard. Ihinarang niya ang katawan kay Miley.

“Huwag kang matigas ang ulo, lover boy. Mamaya pa kita kakailanganin sa eksenang very exciting!

“I-hi-hi-hi-hi-hii!”

Sapilitang ihiniwalay ng mga Undead si Blizzard kay Miley.

Ang reyna na ang mismong naghubad kay Miley.

Tumambad ang kakaibang kagandahan ng dalaga. Tahimik na napaluha na lamang ito

“Alam mo, Miley, dapat ka pa ngang malunod sa tuwa, e. Bakit ‘ka mo? Dahil akong reyna ay labis na labis na iniidolo ang iyong kagandahan!”

Tahimik lamang sina Duktora Joanne at Duktor Larry, trying to hold on to dear life. Nais nga nilang makabalik pa sa maliliit pang mga anak.

“Simulan na ang pagpapaganda sa akin!” utos ng reyna. “Walang dapat maaksayang mga sandali!”

Umusal sa isip ng mga dalangin sa Diyos ang mag-asawang surgeons. Alam na ang kanilang kabiguan ay katumbas ng kanilang kamatayan.

Maingat na maingat na sinukat nila ang mga dibdib, baywang at balakang ng dalaga.

Sa lengguwahe ng mga sastre at modista, perfect fit ang dapat nilang ma-accomplish, walang labis, walang kulang.  (Itutuloy)

Show comments