Paano mo tutulungan ang isang ‘narcissist?’ (1)

Napakahirap magkaroon ng partner na isang “narcissist.” Kung mag-boyfriend/girlfriend pa lang kayo ay may pagkakataon ka pa na makalabas sa inyong relasyon. Ang problema ay paano kung huli mo ng madiskubre na may ganitong uri pala ng sakit  ang iyong nakuhang life time partner? Ang narcissist ay isang taong nagtataglay ng personality disorder kung saan wala siyang ibang mahal kundi ang kanyang sarili. Mayroong napakataas na lebel ng kayabangan at ego ang isang narcissist. Kung ang partner mo ay maituturing na isang narcissist at wala ka ng “choice” kundi tanggapin siya bilang siya narito ang dapat mong gawin:

Pag-aralan ang degree ng narcissism – Pag-aralan mong mabuti kung talagang may personality disorder ang iyong partner. Bakit hindi mo siya ipakausap sa isang lisensiyadong psychologist para matingnan siya. Mayroon din naman  magandang benepisyo ang pagiging narcissist, nagmamahal ka kasi sa iyong sarili para tumaas ang iyong tiwala sa sarili. Ngunit kung napapansin mong hindi lang ito ang epekto ng narcissism sa kanya at nakikita mong hindi niya pinagsisisihan ang mga nagagawa niyang kayabangan at kasakiman maaaring nagtataglay siya ng sakit na ito. Lalo na kung palagi mong naririnig na masuwerte ka dahil tinapunan ka niya ng kanyang atensiyon at pagmamahal.

Dalhin siya sa therapist – Hindi ikaw ang magdedesisyon para siyang gumaling, kundi siya mismo. Kung magpopositibo na siya ay isang narcissist, kailangan niya ng tulong mo. Kumbinsihin siya na magpa-therapy upang malunasan ng maaga ang personality disorder na ito.

Show comments