Panaginip: Maraming perang hawak ang aking mister. Nakita ko siyang pumunta sa sugalan. Natakot akong baka niya ubusin ang pera kaya hinigit ko siya sa damit para umuwi. Pero ayaw niyang paawat at itinuloy pa rin ang pagsusugal. Hindi ko alam kung natalo siya o nanalo dahil nagising na ako.---Lina
Interpretation: Tatlong bagay ang ipinapahayag ng pagsusugal: kalungkutan, kasinungalingan at away. Pahabain ang pasensiya sa tuwina. Kung ang isang tao ay ayaw makinig sa iyong payo, ipagdasal mo na lang siya. Darating din ang panahon na siya mismo ang makakatuklas ng kanyang pagkakamali.