Ano ang Kapalaran mo sa August 2015? (8)

Kalkulahin ang iyong SUN NUMBER : Birth month + Birth date (November 24 : 11 +24 = 35 reduce to single number = 8 Sun Number)

SUN NUMBER 8

Sa pamilya at lovelife nakapokus ang iyong pansin. Ang mga mahal mo sa buhay, lalo na ang mga nakababata ay naghahanap ng iyong kalinga. Asikasuhin ang pangangailangan—pi­sikal at amosyunal—ng iyong romantic partner. Kumbaga, in demand ka ngayon sa kanila. Kailangan nila ang iyong suporta. May kapalit na good karma ang pagi­ging maasikaso sa kanila dahil may darating na ekstrang trabaho sa iyo na nangangahulugan ng ekstrang kita.

Makakatanggap ka ng papuri at gantimpala sa trabaho. Pero may posibilidad na isang tao ang aagaw ng kredito at magpapanggap na siya ang gumawa ng trabahong ikaw ang tumapos. Maging alerto sa ganitong pangyayari pagkatapos ng August 7 hanggang sa katapusan. Lucky numbers: 2, 4, 8. Second lucky number ay 6.

Show comments