^

Para Malibang

Benepisyo ng Okra

BODY PAX - Pang-masa

Ang okra ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na bitamina C, K, folate at iba pang minerals upang maging malusog ang ating katawan. Mayaman din ito sa fiber na tumutulong sa maayos na digestion, komokontrol sa rami ng sugar na naa-absorbed ng katawan.

Naririto ang ilan sa banepisyo ng okra sa kalusugan.

Nagtataguyod ng malusog at maayos na pagbubuntis- Mayroon itong bitamina B na nakakatulong sa pagmentina at paggawa ng mga bagong cells, folate na isang mahalagang aspeto sa maayos, ligtas at malusog na pagbubuntis ng ina. Ang mga bitamina ay tumutulong upang maiwasan ang mga depekto ng mga sanggol habang ito ay pinagbubuntis katulad ng spina bifida at tumutulong sa sanggol  na lumaki ng malusog at malakas. Nakatutulong ang bitamina C para sa fetal development na mayroon sa okra.

Tumutulong na maiwasan ang diabetes – Salamat sa fiber at iba pang nutrients na mayroon sa okra na maaaring makapag normalize sa blood sugar sa katawan na makatutulong sa mga dyabetiko.

Tumutulong sa may sakit sa kidney– Ayon sa mga pag-aaral na ang regular na pagkonsumo ng okra ay maaaring makatulong na maiwasan ang sakit at pinsala  sa kidney. Limampung porsiyento ng sakit sa kidney ay dulot ng diabetes. Ang pagkain ng okra ay nakapagno-normalize ng blood sugar na isang dahilan upang miwasang mapinsala ang kidney ng isang diabetiko.

Tumutulong sa malusog na colon – Ang okra ay mayaman sa dietary fiber na kailangan upang magkaroon ng malusog na colon at maayos na panunaw. Nililinis ng fiber ng okra gastrointestinal system para makapagtrabaho ang colon ng maayos at maging malusog.

Maaaring makatulong sa problema sa baga – May mataas na lebel ng bitamina C ang okra na tumutulong sa sakit sa baga katulad ng asthma. Ayon sa mga pag-aaral ang pagkain ng mga prutas na mayaman sa bitamina C ay maaaring makabawas ng sintomas ng singasing sa mga bata.

Pinananatili ang malusog na balat – Ang bitamina C ay tumutulong sa balat na maging mukhang bata na mayaman sa okra. Tumutulong ang bitamina sa paglago at pag-ayos ng mga body tissues, na nakakaapekto sa collagen formation, skin pigmentation, at ma-rejuvenate ang napinsalang balat.
 

AYON

BITAMINA

LEFT

MALUSOG

OKRA

TUMUTULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with