Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na si dating pangulong George Washington ang kauna-unahang pangulo ng America na inilagay ang larawan sa postage stamp? Noong siya ay nanumpa bilang pa­ngulo, iisa lang ang kanyang ngipin. Minsan, nagsusuot siya ng pustisong gawa sa ivory, lead at minsan ay gawa mula sa ngipin ng hayop. Mayroon din siyang anim na kabayong puti na idini-display niya sa kanyang lamesa. Iniutos niyang sipilyuhin ang ngipin ng mga ito tuwing umaga.

Show comments