Bad Energy sa Bathroom

Kung tutuusin, negative energy ang naidudulot ng  Bathroom  saan man direksiyon ito nakapuwesto sa loob ng bahay. Ang tanging magagawa  natin ay hadlangan ang bad effects sa pamamagitan ng Fengshui cure. Narito ang paraan:

Gumamit ng 5- metal rod, hollow or solid windchime kung ang bathroom ninyo ay nasa Northeast at Southwest sector ng kabahayan.

Ang kalansing na nalilikha ng windchime ang pipigil sa bad energy na kumalat at maging aktibo. Isabit ang windchime sa loob ng bathroom, bandang sulok kung saan hindi ito tatapat sa tao habang siya ay naliligo o nakaupo sa toilet seat.

Tanggalin ang good luck or Chinese symbol na kasamang nakasabit sa windchime. Ang layunin ng windchime ay “patayin” ang bad luck energy sa bathroom kaya makakagulo lang ang good luck symbol.

Magsabit ng crystal sa bintana ng bathroom na nasa South sector ng kabahayan.

Kung nasa North ang bathroom, maglagay sa loob ng green plants

Kung nasa West or Nortwest, maglagay ng tubig sa flower vase or jar na gawa sa ceramic. Palitan ang tubig araw-araw.

Show comments