4. Oatmeal - Puwede ring gumamit ng oatmeal sa paltos dulot ng sunburn. Tumutulong ito na mapaginhawa at malunasan ang bahagi ng apektadong balat. Gumamit ng oatmeal kapag maliligo. Punuin ang bathtub ng malamig na tubig at maglagay ng dalawang tasa ng oatmeal. Ibabad ang katawan sa loob ng kalahating oras o higit pa. Para sa mas magandang resulta ay magdagdag ng rose petals sa tubig na ipapaligo.
Balutin ang dinurog na oatmeal sa cotton o muslim cloth at pakuluan ito sa tubig sa loob ng ilang minuto. Hayaang matuyo at pagkatapos ay ipunas ito sa katawan habang nagbababad sa tubig na malamig.
5. Turmeric - Ang turmeric ay mayroong antiseptic at healing properties na makakatulong na mapawi ang kirot at pamamaga ng lapnos dulot ng sunburn. Paghaluin ang 2 kutsarita ng turmeric powder na may tubig at ipahid ito sa bahaging may lapnos at panatilihin ito ng hanggang sampung minuto. Isa pang paraan ay ang pagpahid ng makapal ng pinaghalong turmeric powder, barley at yogurt ipahid ito ng dahan-dahan sa apektadong balat. Hayaan ito ng kalahating oras at pagkatapos ay hugasan ng malamig na tubig.
Ulit-ulitin ang paraan na napili hanggang ang lapnos ay mawala.
6. Patatas - Maaaring magamit ang hilaw na patatas upang palamigin ang balat, bawasan ang nararamdamang hapdi at mapabilis ang paggaling nito.
Maghugas ng hilaw na patatas at hiwain ito ng makapal. Ilagay sa ito sa blender at ipahid. Ipahid sa may lapnos at hayaang matuyo. Pagkatapos na matuyo hugasan ito ng malamig na tubig.