Alam n’yo ba na sa Ancient Greece, hindi nila pinag-aaral ang mga babae? Ang tangi nilang pinag-aaralan ay mga gawaing bahay habang sila ay lumalaki dahil pagdating ng 13-anyos ay nag-aasawa na sila. Hindi rin pinapayagan ang mga babae na magtrabaho sa labas ng bahay at walang karapatang bumoto. Tanging mga kalalakihan lang ang pinapayagan na makialam sa usapin ng lipunan. Ang kauna-unahan naman na Olympic Game ay naganap noong 776 BC. Ito ay upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng bansa rito sa isang mabuting kompetisyon.