Makulit na kaibigan

Dear Vanezza,

Ano po ba ang dapat kong gawin sa kaibigan ko na walang tigil sa pangungulit sa akin? Alam naman po niya na may-asawa na ako pero hindi siya tumitigil sa pangungulit sa akin para mapansin ko siya . Madalas po siyang magpalipad hangin at sa totoo lang po ay naiirita  na ako sa ginagawa niya. Minsan pa nga nakakaramdam ako ng pandidiri sa  ginagawa nya. Ayoko naman na mapahiya siya. - Jam

Dear Jam,

May mga ganyan talagang lalaki, kahit alam na nilang may-asawa na ay hindi pa rin sila tumitigil, nagbabakasakali na “makalusot”. Bagama’t magkaibigan kayo, mas mabuting prangkahin mo na lang siya kaysa naman ang inis mong nararamdaman ngayon ay maging galit na. Linawin mo sa kanya na wala na siyang aasahan sa’yo  kundi ang pagiging kaibigan mo sa kanya. Kung ayaw pa rin tumigil isumbong mo na sa mister mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments