Ngayong nalalapit na ang panahon ng araw ng mga puso ay maraming magsing irog ang naghahanda upang ipagdiwang ang araw na ito. May mga nagpaplanong kumain sa romantikong restawran at mayroon naman na nagpupunta sa romantikong mga lugar upang mas lalong maipadama ang pagmamahal sa isa’t isa. Sa araw din ito ay kailangan natin malaman ang tamang pangangalaga sa ating puso na nagpapanatili sa sirkulasyon ng dugo sa katawan. Naririto ang ilang gabay para maging malusog ang puso na magpapahaba at magpapasaya sa ating buhay:
1. Regular na pag-eehersisyo. Mag ehersisyo kada araw sa loob ng tatlongpung minuto ay makakatulong na maprotektahan ang iyong puso laban sa anumang sakit. Ang pagtakbo, paglalakad at ano pang pisikal na gawain ay makakatutulong na maiwasan ang pagbaba ng heart rate, blood pressure, cholesterol level at ang mga body fat.
2. Panatilihin ang tamang timbang. Karamihan sa mga may sakit sa puso ay overweight, ay kailangang gumawa ng hakbang para makontrol ang tamang timbang. Sa pagtaas ng timbang kagaya ng dagdag na bigat sa bilbil ay makakapag pataas ng panganib ng heart attack.
3. Panatilihin ang normal na presyon ng dugo. Ang mataas na presyon ng dugo ay isang dahilan ng panganib ng heart attack. Bagamat ang mataas na lebel ng presyon ng dugo ay nakakapagpabilis ng proseso ng arteriosclerosis (paninigas ng arteries), at madali lang itong mapigil sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ng regular, tamang diet, pag-iwas sa mga pagkain na maaalat at pag-inom ng alak.