Alam n’yo ba na lahat ng isda ay mayroon din buto sa likod o backbone? Mayroon din 25,000 uri ng isda. May tatlong pangkat ang mga isda, tinatawag itong jawless, cartilaginous at bony. Hindi lang ang mga lumilipad na species ang may radar, maging ang mga isda ay mayroon din nito at tinatawag itong lateral line para makapaglakbay sila sa kalakhan ng karagatan at makalangoy pa rin kahit sa maputik na tubig. Bago pa man magkaroon ng dinosaur sa mundo, una ng nalalang ang mga isda. Sa ngayon, may 15,000 species pa ng isda ang hindi pa nakikilala ng mga eksperto.