Mga iba pang sintomas ng ‘urticaria’
Kung minsan ang dila at lalamunan ay naaapektuhan na rin at namamaga. Sa pamamagang nararanasan ay maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga.
Tumatagal ang sintomas ng angio-oedema kesa sa urticarial weals. Tumatagal ang pamamaga hanggang tatlong araw.
Ang isa pang halimbawa ay ang vasculitic urticaria na biharang lumabas. Tumatagal ang pamamaga nito hanggang 24 oras, karaniwan ito ay mahapdi, nagiging dark red at nag iiwan ng red mark sa balat kapag ang pamamaga ay nagpatuloy.
Ano ang sanhi ng chronic urticaria?
Ang sanhi nito ay pinaniniwalaan ng paglabas ng kemikal na histamine na mula cells ng balat. Ang kemikal na ito ay maaaring maging sanhi ng pagtagas ng likido mula sa maliliit na blood vessels sa ilalim ng balat. Pinagmumulan ang mga likido na ito ng pamamantal. Sanhi ang mga kemikal na ito ng paglaki ng lagusan ng mga blood vessel na maaaring maging dahilan ng paglala ng mga pamamantal. Mga posibleng sanhi nito ay katulad ng:
Sa lahat ng kaso nito ay maaaring isang autoimmune problem. Isa itong pangyayari sa ating katawan na ang immune system ay pumipinsala sa cells ng ating katawan. Karaniwan ang ating katawan ay lumilikha ng protina na tinatawag na antibodies para labanan ang anumang impeksiyon sa ating katawan.