Ano ang sinasabi ng binti at paa?

Last Part

11—Kung ang pangalawang daliri (katabi ng hinlalaki)  ay mas maikli kaysa hinlalaki, average lang ang iyong finances. Ngunit kung mataba, yayaman kapag nasa senior age, 60 pataas.

 12-- Kung ang pangalawang daliri sa paa  ay mas mahaba sa hinlalaki, ikaw ay mabait, mara­ming kaibigan, maraming pera ngunit gastador.

13--Kung ang paa ay maliit—sa lalaki ay 6 at sa babae ay 5 or below—ingatan ang ilong at breathing system. Seloso ang taong maliliit ang paa.

14--Kapag reddish ang kuko, ikaw ay yayaman. Kung gray, paghihirap. Kung milky white, stable ang buhay.

15--Ang malalaking daliri sa paa ay indikasyon ng good leader ngunit matigas at mainitin ang ulo.

16--Kung mataba ang mga daliri, siya’y susu­wertehing magkaroon  ng maraming ari-arian.

 

Show comments