Over eating
Ngayong panahon ng kapaskuhan kaliwa’t kanang pagtitipon ang ating dinadaluhan at sa mga dinaluhan nating pagtitipon ay hindi mawawala ang masasarap na pagkain ang nakahain. Sa rami ng handang pagkain hindi mapigilan ang sarile na kumain ng sobra-sobra sa normal na ating kinakain sa araw-araw at hindi inaalintana ang magiging epekto nito sa kalusugan. Naririto ang ilang negatibong epekto sa ating kalusugan ng sobrang gana sa pagkain:
• Pagtaas ng timbang at obesity: Ito ang unang sintomas ng sobrang gana sa pagkain na kailangan ng ating katawan. Ang sobrang timbang ay nakapagdudulot ng stress sa ating mga muscle dahil sa kailangang buhatin ng ating muscle ang labis na timbang ng ating katawan. Maaaring makaramdam ng pagkapagal, laging tinatamad, iretable at joint pain.
• Sa mga taong biglang tumaas ang timbang ay nawawalan ng kumpiyansa sa sarile sa kanilang itsura. Sa ganitong sitwasyon ay hindi nila hinahayaang kumain sila ng mga pagkain na kanilang paborito na maaaring magpataas ng kanilang pagnanais na kumain ng marami.
- Latest